SALARY INCREASE | Halos 122 billion pesos, hiniling ng Duterte administration para sa mga empleyado at unipormadong tauhan ng gobyerno

Manila, Philippines – Humihiling ang Duterte Administration ng ₱121.7 billion mula sa proposed ₱3.757 trillion 2019 National Budget para sa taasan ang sahod ng civilian employees at military personnel ng gobyerno.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr. – mula sa hinihiling na pondo, ₱51.7 billion ay ilalaan sa ika-apat at ika-limang tranche ng Salary Standardization Law para sa mga empleyado ng gobyerno.

Ang natitirang ₱70 billion ay popondohan ang ikalawang installment ng batas na nagbibigay ng dagdag-sahod sa mga pulis, sundalo, jail at fire officers, at coast guards.


Ang pagtaas ng bilang ng government employees at retired uniformed personnel ang dahilan para itaas ang payroll at pension sa pamahalaan.

Facebook Comments