CAUAYAN CITY – Inanunsyo ni President Ferdinand Marcos Jr., na aprubado na ang kahilingang taasan ng sahod ang mga mangagawa ng gobyerno.
Sa kanyang State of the Nation Address 2024, sinabi nito na maliban sa salary increse ng mga government workers, tatanggap na rin ang mga ito ng medical allowance.
Sinabi pa ng pangulo na makukuha ang nasabing umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno sa pamamagitan ng apat (4) na tranche.
Hindi pa binaggit ang eksaktong halaga ng pondo na ilalaan dito ngunit magugunita na una nang hiniling ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na maaprubahan ng kongreso ang P70 billion allocation para sa nabanggit na taas-pasahod.
Facebook Comments