Sales Associate na may Kasong VAWC, Arestado

66

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang binata matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. 1, Jones, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Mark David Aguilar, 26 anyos, Sales Associate at residente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Jones, dinakip ng mga alagfad ng batas si Aguilar sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang galang hukom Bonifacio Ong ng RTC Br. 24 Echague Isabela para sa kasong RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglaan ng piyansang (P72,000.00)

Sa ngayon ay nasa pangangalaga pa rin ng kapulisan ang akusado para harapin ang kaso laban sa kanya.

Facebook Comments
From Advertisers