Salesman, arestado dahil sa ‘mapanirang post’ laban kay Pres. Duterte, Sen. Go

Inaresto ng pulisya ang 41-anyos na salesman sa Agusan del Norte dahil sa umano’y mapanirang post laban kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher “Bong” Go.

Kinilala ang netizen na si Reynaldo Orcullo, residente ng Barangay Triangulo, sa bayan ng Nasipit.

Sa kaniyang Facebook post, tinawag ni Orcullo ang Presidente na “buang” at gumagawa raw ng mga scripted na kahilingan si Go.


“ALAM NA PATTERN, MOSALIDA SI GO KONUHAY SIYA MOHANGYO SA BUANG NGA PANGULO, DIGONG GAGO. BUANG SI DIGONG.”

Ayon kay Brig. Gen. Joselito Esquivel, Jr., hepe ng Caraga Regional Police, maituturing na libelous ang mga akusasyon ng lalaki.

Natunton ng mga miyembro ng Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) at Nasipit Municipal Police Station ang tirahan ng lalaki, pasado alas-3 ng hapon nitong Miyerkoles.

Narekober din sa suspek ang cellphone na ginamit sa pagpo-post ng mapanlinlang na reaksyon.

Kinasuhan si Orcullo ng paglabag sa Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 si Orcullo.

“I remind our social media users to think thrice before posting on any social media platform. Be responsible netizens. We do enjoy the blessings of democracy but never go beyond from what you think is right without minding you violate the provisions of the law,”  ani Esquivel Jr.

Facebook Comments