Salesman sa Cauayan City Isabela, Nahaharap sa Kasong Estafa!

Cauayan City, Isabela – Arestado kahapon ang isang salesman sa lungsod ng Cauayan matapos na isinilbi ng mga otoridad ang kaniyang warrant of arrest dahil sa kasong estafa.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang akusado na si Joseph Almario Bernardo, apatnapu’t apat na taong gulang, may asawa at residente ng Dalupang Street, Brgy. District 2, Cauayan City, Isabela.

Ipinalabas ni hukom Nicanor Pascua Sr. ng RTC Branch 8, Aparri, Cagayan ang warrant of arrest ni Bernardo dahil sa kasong estafa.


Makakalaya naman ang akusado kung makakapaglagak ng kaniyang piyansa na nagkakahalaga ng Php80,000.00.

Samantala, ang akusado ay dinala na sa himpilan ng PNP Cauayan City para sa dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Facebook Comments