Salitang Pinoy na bakya, tampok sa “word of the day” ng Oxford English Dictionary

Tampok na ang salitang Pilipino na bakya bilang “word of the day” ng Oxford English Dictionary.

Ito ay matapos ibahagi ng Oxford Dictionary sa Twitter ang balita, kung saan inilarawan ang bakya bilang noun o pangngalan na uri ng sandals na walang likod at may makapal na solong kahoy na may strap ng rattan o iba pang materyal.

Ang bakya ay tradisyunal na sinusuot ng mga Pilipino sa mga nayon at minsan ay may palamuting inukit na kahoy.


Samantala, maaari ding gamitin ang bakya bilang pang-uri o adjective na ginagamit bilang mapanirang puri sa mga bagay na may kakulangan o sopistikado.

Facebook Comments