Saliva COVID-19 test, maaaring magamit kapag bibiyahe sa abroad ayon sa PRC; Nationwide roll-out, isasagawa sa Pebrero

Inihayag ng Philippine Red Cross (PRC) na maaari nang magamit ang Saliva COVID-19 test bilang requirements sa pagbiyahe sa ibang bansa at iba pa.

Ayon kay PRC Chairman Sen. Richard Gordon, pinapayagan na ng Department of Health sa mga airport ang Saliva test, kaya maaari na rin itong magamit sa pagbibiyahe sa loob at labas ng bansa.

Bukod dito, maaari rin aniya gamitin bilang requirement sa pagbabalik ng face to face classes ng mga estudyante at sa bar exam.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni dating Health Secretary at PRC Molecular Laboratories Head Dr. Paulyn Ubial na halos parehas na ang accuracy rate ng Saliva test at RT-PCR test kung saan nasa 98 percent na ang saliva habang 99 percent sa RT-PCR.

Kahapon ay sinimulan na ng Red Cross ang pagsasagawa ng Saliva test sa Metro Manila at inaasahang iro-roll-out ito sa buong bansa sa Pebrero.

Aabot sa P2,000 ang presyo nito, mas mura kumpara sa RT-PCR test.

Facebook Comments