Target ng Philippine Red Cross (PRC) na makapagsagawa ng saliva COVID-19 test sa bansa.
Ayon kay PRC Chairman at Senador Richard Gordon, bukod sa mas mabilis, mas makakamura din kung saliva COVID-19 test ang gagawin.
Aniya, wala pang apat na oras ay malalaman na kung negatibo o positibo sa virus ang isang indibidwal.
Sa ngayon, naghihintay na lang ng pag-apruba mula sa gobyerno ang PRC.
Nagsasagawa na rin ng validation study ukol sa bagong coronavirus test ang UP College of Medicine.
Pero paglilinaw ni Gordon, gagamitin pa rin nila ang RT-PCR test na itinuturing na gold standard sa pagtukoy ng COVID-19.
Nabatid na higit isang milyong COVID-19 test na ang nagawa ng PRC mula nang mag-umpisa ang pandemya.
Facebook Comments