Saliva test, gagamit ng RT-PCR technology – Sen. Gordon

21

Gagamit pa rin ng Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) technology sa saliva test para ma-detect ang COVID-19.

Ayon kay Philippine Red Cross Chairman Senator Richard Gordon, tulad ng swab test ay dadaan din ang saliva test sa RT-PCR para sa diagnosis ng COVID-19.


Maaari ring magamit ang RT-PCR laboratories ng Red Cross sa pagpoproseso ng mga samples para sa saliva test.

Matatandaang inanunsyo ng PRC na magsasagawa sila ng COVID-19 saliva test sa 1,000 health workers sa bansa alinsunod sa requirements ng Department of Health (DOH) para maaprubahan ang bagong testing method.

Facebook Comments