Thursday, March 5, 2026

SALN at bank records ni VP Duterte, maaring ipa-subpoena ng House Justice Committee

Ipapa-subpoena ng House Committee on Justice ang lahat ng bank records at Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte noong siya ay mayor at vice Mayor ng Davao hanggang sa posisyon niya ngayon.

Sinabi ito ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima na siyang endorser ng ikatlong impeachment complaint laban kay VP Duterte na inihain ng grupo ng mga pari, madre, at mga abogado.

Ayon kay De Lima, sa impeachment proceedings ay may kapangyarihan ang komite na ipasumite ang SALN at bank records ni VP Sara kaugnay sa alegasyon na nakapaloob sa reklamong impeachment na mayroon umano itong hindi maipaliwanag na yaman at may kaduda-dudang mga deklarasyon sa kanyang SALN.

Bago nagbotohan ang mga miyembro ng Komite sa sufficiency in substance ng dalawang impeachment complaint ay ipinresenta ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon na sa loob ng 16 taon o mula 2008 hanggang 2024 ay tumaas ng P70 million o 378% ang yaman ni Duterte.

Ayon kay Ridon, mula sa dating mahigit P18 million noong 2008 ay tumaas sa mahigit P88 million ang networth ni VP Sara hanggang noong nakaraang taon.

Facebook Comments