Wednesday, March 25, 2026

SALN at iba pang mga dokumentong may kaugnayan sa assets ni VP Sara, ipapa-subpoena ng House Committee on Justice

Nagpasya ang House Committee on Justice na pinamumunuan ni Batanas Rep. Gerville Luistro na ipa-subpoena ang mga importanteng dokumento kaugnay sa dinidinig nitong ikatlo at ika-apat na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Pangunahing padadalhan ng subpoena ang Office of the Ombudsman para makakuha ang komite ng kopya ng Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni VP DUterte sa mga taong 2007–2013, 2016–2022, at 2022–2025.

Para ito sa alegasyon na kwestyunableng yaman ni VP Sara na nakapaloob sa mga reklamong impeachment.

Kabilang din sa ipapa-subpoena o ipapasumite ng Komite mula naman sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay ang original copies ng mga birth, marriage, at death records ng umano’y mga benepisaryo ng confidential funds mula sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

Inaprubahan din ang pag-subpoena sa Income Tax Returns o ITR at iba pang records ng mga negosyo ni VP Sara at mister na si Atty. Manases Carpio.

Facebook Comments