Manila, Philippines – Pinapa-review ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang batas kaugnay sa Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN ng mga taga-gobyerno.
Tugon ito ni Drilon sa napaulat na redacted SALN ng mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan tinakpan ang mga mahahalagang impormasyon kaugnay sa kanilang yaman.
Katwiran ng palasyo, walang mali dito dahil may right to privacy ang mga Cabinet members.
Sabi ni Drilon, mas makabubuting pag-aralan na lang ang SALN Law para makita kung mali ba o tama ang redacted SALN kung saan nagsalpukan ang isyu ng right to privacy kontra sa accountability at transparency na dapat pairalin ng mga nasa gobyerno.
Facebook Comments