SALN ng mga kongresista, pagkatapos pa ng SONA mailalabas

Manila, Philippines – Nalalapit na ang pagbubukas ng 2nd regular session pero hindi pa rin nailabas ang kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN ng mga kongresista.

Sa ilang Kongreso na nagdaan, ngayon lamang din natagalan ang pagrerelease ng SALN ng mga mambabatas.

Paliwanag ni Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali, naghigpit ang Kamara sa pagsasapubliko ng SALN dahil bumuo pa ang kapulungan ng Committee on SALN review kung saan si Umali ang Chairman dito.


Katwiran ni Umali, wala pang rules na nabubuo ang committee on SALN review.

Sa tantya ni Umali, mailalabas ang summary ng SALN ng dalawang daan at syamnaput dalawang kongresista pagkatapos na ng SONA ng Pangulo.

Sa mga nakalipas na Kongreso, bago magtapos ang buwan ng Mayo ay naibibigay na sa House Reporters ang summary ng SALN ng mga kongresista kaya naisasapubliko kung sino ang pinakamayaman o pinakamahirap sa mga kongresista.

Facebook Comments