SALN ni PRRD, hindi dapat gawing isyu – Palasyo

Walang nakikitang problema ang Malakanyang kung ilabas ng Ombudsman ang kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon Presidential spokesman Atty. Salvador Panelo, hindi naman big deal para sa Pangulo ang usaping ito.

Ginagawan lamang aniya ito ng isyu ng ilang sektor at ipinipilit na may itinatago ang Pangulo.


Ayon kay Panelo, una sa lahat, hindi na sana naghain pa ng kaniyang SALN ang Pangulo kung mayroon itong inililihim o ayaw na masiwalat sa publiko.

Pero dahil sumunod ang Pangulo sa itinatakda ng batas na maghain ng SALN, nangangahulugan lamang na tapat at makatotohanan ang inilabas nitong mga impormasyon hinggil sa kaniyang mga ari-arian at yaman.

Magkagayunman, iginiit ni Panelo na hindi na trabaho pa ng Malakanyang na ilabas ang kopya ng SALN ng Pangulo, kundi ng Ombudsman.

Facebook Comments