Salpukan ng 2 Motorsiklo, 2 Drayber-Patay!

297

Cauayan City, Isabela- Parehong binawian ng buhay ang dalawang drayber ng motorsiklo matapos magsalpukan dakong alas 10:30 kagabi sa pambansang lansangan sa Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela.


Kinilala ang isa sa nasawi na drayber ng Suzuki Raider 115, walang plaka na si Alvin Salasalan, 27 anyos, binata, credit investigator ng isang micro finance at residente ng Brgy. Surcoc, Naguilian, Isabela habang hindi pa nakikilala ang isa pang namatay na drayber ng kulay asul na Motorstar Star-x 155 na wala rin plaka.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Ilagan City, magkasalungat na binabaybay ng dalawang motorsiklo ang kahabaan ng nasabing lansangan at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay biglang nagsalpukan ang dalawang biktima.

Idineklarang dead on arrival (DOA) sa pagamutan ang drayber ng Motorstar Star-x 155 Motorcycle habang binawian naman ng buhay si Salasalan habang siya’y ginagamot.

Facebook Comments