Salpukan ng 2 Motorsiklo sa Luna, Isabela, 2 Driver nito-Patay!

192

*Luna, Isabela- *Patay ang dalawang drayber ng motorsiklo matapos magsalpukan ang kanilang minamanehong motorsiklo sa pambansang lansangan ng brgy Mambabanga, Luna, Isabela.

Kinilala ang mga namatay na sina Kennedy Dinico, 21 anyos, residente ng brgy San Jose, Baggao, Cagayan at Jefferson Patungan, 22 anyos, helper at residente ng brgy. Progreso, San Guillermo, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Luna, magkasalungat na binabaybay ng dalawang motorista ang nasabing lansangan at umagaw umano sa linya si Patungan kaya’t nabangga nito ang kasalubong na si Dinico.

Sa lakas na impak ng banggaan ay nagtamo ng malalalim na sugat sa katawan ang dalawa na isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklara din na Dead on Arrival (DOA) sina Dinico at Patungan.

Dinala na sa PNP Luna ang dalawang motorsiklo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments