Salpukan ng 2 sasakyan, 1 patay, 4 sugatan!

Ramon, Isabela – Agad na binawian ng buhay ang isang lolo habang apat ang sugatan matapos salpukin ng sasakyan ang kanilang sinasakyang Tricycle sa kahabaan ng Brgy. Bugallon Proper, Ramon,Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Bernardo Miguel, may asawa, isang senior citizen habang kinilala naman ang mga sugatan na sina Larry Lucena Ballao, nasa tamang edad, driver ng Tricycle, Anselmo Briones Ballao at Antonio Lucena at pawang mga residente ng Brgy. San Antonio, Ramon, Isabela.

Habang kinilala ang driver ng Nissan Navarra na si Darwin A. Rivera, nasa tamang edad, may asawa at residente ng Calao West, Santiago City.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, magkasalungat na binabagtas nina Larry at Darwin ang pambansang langsangan nang biglang magovertake si Darwin at aksidenteng masalpok ang paparating na Tricycle.

Sa lakas ng banggaan ay agad na namatay ang isang lolo na pasahero ng Tricycle.

Dinala naman sa pagamutan ang mga sugatang biktima para sa kanilang karampatang lunas.

Nasa himpilan na ng PNP Ramon ang dalawang sangkot na sasakyan para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments