Kapalpakan ng war on drugs, napatunayan sa pag-amin ng pangulo na lumala ang problema sa ilegal na droga

Para kay Senator Kiko Pangilinan, ang pag-amin ni pangulong rodrigo duterte na mas lumala ang problema sa ilegal na droga ay isang patunay na palpak ang war on drugs ng administrasyon.

Paliwanag ni Pangilinan, palpak ang war on drugs dahil ang napapatay lang umano ay pawang mga mahihirap na sangkot sa ilegal drug trade.

Dismayado si pangilinan dahil walang napaparusahan na malalaking drug lords.


Dagdag pa ni Pangilinan, patuloy na bumabaha ang suplay ng ilegal na droga sa bansa dahil wala ding naparusahan sa pagpuslit sa Bureau Of Customs ng tone toneladang shabu.

Facebook Comments