Salpukan ng Dalawang Motorsiklo, Apat Sugatan, Isa Patay!

Ilagan City- Idineklarang Dead on Arival ang isang lalaki matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang motordiklo sa kasalubong na isa pang motorsiklo sa brgy. Cudu, City of Ilagan.

Kinilala ang nasawi na si Marlon Capito, 27 anyos na angkas ng sugatang drayber na si Charles Cabildo, 27 anyos, Promo dicer mga pawang residente ng brgy. Guinatan, City of Ilagan samantalang kinilala naman ang drayber ng isapang motorsiklo na si Lorbert Domingo, 25 anyos, Valentina Domingo, 48 anyos at si Jonathan Domingo 24 anyos mga pawang residente naman ng Brgy. Ballacong sa nasabing lungsod.

Sa Ibinahaging impormasyon ng PNP Ilagan sa RMN Cauayan News Team, napag-alama sa imbestigasyon ng kapulisan na tinatahak umano ng grupo ni Lorbert ang kahabaan ng barangay road patungong Marana 1st ng bigla ay pinasok ni Cabildo ang kanilang linya dahilan upang sila ay magkabanggaan at magtano ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.


Agad namang isinugod ang mga ito sa Gov. Faustino N. Dy General hospital para sa agarang lunas ngunit hindi na umabot ng buhay si Capito.

Napag-alaman naman sa pagsusuri na ang dalawang drayber ay pusitibo sa alak samantalang pansamantala namang dinala ang mga motorsiklo sa kustodiya ng PNP Ilagan para sa kaukulang Dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments