Salpukan ng Dalawang Motorsiklo sa Cauayan City, Isa Sugatan!

*Cauayan City, Isabela- *Sugatan ang isang back rider ng motorsiklo sa naganap na aksidente sa pambansang lansangan ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang driver ng Honda TMX 155 na si Jonathan Sanchez, nasa tamang edad, may asawa, residente ng Brgy Malitao, Echague, Isabela habang ang driver naman ng Suzuki Smash ay si Freddie Pascua, 26 anyos, binata, office Clerk, at residente naman ng brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela

Sugatan ang backrider ni Freddie Pascua na si Shaira Althea Villain Paynor, 21 anyos, walang asawa, residente naman ng Brgy. Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, parehong binabaybay ng dalawang motorsiklo ang lansangan at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nag left turn si Sanchez kung saan hindi ito agad napansin ng sumusunod na si Pascua.

Agad na dinala sa pagamutan ang backrider matapos magtamo ng mga sugat sa katawan para sa kanyang kaukulang lunas.

Samantala, nasa kustodiya na ng PNP Cauayan City ang dalawang motorsiklo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments