Salpukan ng Dalawang Motorsiklo sa Cordon, Isabela, Isa Patay!

53

Dead on the spot ang isang lalaking lulan ng motorsiklo matapos makipagsalpukan sa kasalubong na isa pang motorsiklo sa brgy. Sagat, Cordon, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Michael Gulpe, 49 anyos, walang asawa, rice mill employee, residente ng Antipolo, Minalabac, Camarines Sur habang ang suspek ay kinilalang si Charles Antonio, 18 anyos, walang asawa, magsasaka at residente ng Panubtuban, Asipulo, Ifugao.


Batay sa ulat ay bumabaybay umano ang biktima sa naturang lansangan patungong Quirino province habang nasa kasalungat na bahagi naman ng lansangan si Antionio at ng marating ang pinangyarihan ng insidente ay nagbanggaan ang motorsiklong sinasakyan ng mga ito.

Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng mga sugat sa katawan ang suspek at ang angkas nito habang nasawi naman si Gulpe.

Agad na isinugod sa pagamutan ang mga sugatan habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naganap na insidente.

Facebook Comments