Salpukan ng Dalawang Motorsiklo sa Naguilian Isabela, Isa Patay!

85

Naguilian, Isabela- Patay ang isang katao matapos magsalpukan ng kanilang sinasakyang motorsiklo dakong pasado alas syete kagabi sa barangay Palattao Naguilian Isabela.

Kinilala ang nasawing drayber ng Mio motorcycle na si Don Fela Rosa Marfil, 36 anyos, habang ang drayber naman ng Motoposh Motorcycle ay kinilala namang si Jonel Bartolome Marayag, 22 anyos at mga pawang residente sa naturang barangay.

Batay sa pagsisiyasat ng PNP Naguilian ay bumabaybay umano ang biktima sa hilagang bahagi ng lansangan at ng lumiko ito pakaliwa ng barangay road ay siya namang naging dahilan upang makabanggaan nito ang minamanehong motorsiklo ni Marayag.

Samantala, dahil sa lakas ng salpukan ay parehong tumilapon ang dalawa na naging dahilan naman upang magtamo sila ng matinding pinsala sa katawan.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang dalawa para sa agarang lunas ngunit idineklara ding Dead on Arrival si Marfil habang ang kanilang mga motorsiklo ay dinala din sa himpilan ng PNP Naguilian para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments