Banggaan ng Jeep at Motorsiklo, Isa Patay!

Cabatuan, Isabela- Idineklarang Dead on Arrival ang isang lalaki matapos mabangaga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa kasalubong na jeep sa bahagi ng National Highway partikular sa brgy. Calaocan, Cabatuan Isabela pasado alas syete kagabi September 8, 2018.

Kinilala ang nasawing drayber ng motorsiklo na si Elmer Ramos Manibog, 38 anyos, at residente ng Brgy. San Antonio, San Mateo Isabela, habang ang drayber naman ng jeep ay kinilalang si Larry Garcia, 46 ayos, may-asawa at resdente ng Old Centro 1, San Mateo Isabela.

Sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, bumabaybay umano si Garcia sa naturang lansangan papuntang Cabatuan Proper ng makasalubong nito ang biktimang galing sa barangay road patungong national highway na biglang lumiko pakanan na naging dahilan upang mabangga nito ang minamanehong jeep ni Garcia.


Dahil sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang biktima at nagtamo ng matinding pinsala sa kanyang katawan kaya’t agad itong isinugod sa pinakamalapit pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay.

Samantala, dinala naman sa himpilan ng pulisya ang mga sasakyan maging si Garcia para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments