Salpukan ng Dalawang Sasakyan, Isa Patay, 3 Sugatan!

1179

*San Manuel, Isabela- *Patay ang isang binata nang masalpok ang minamaneho nitong sasakyan sa pambansang lansangan ng Brgy. District 3, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima at driver ng Suzuki Dzire na may sticker number G10111 na si John Carlo Frondarina, 22 anyos, at residente ng Brgy. Sandiat West, San Manuel, Isabela habang ang suspek at driver naman ng Toyota Innova na may plakang BCL 6658 ay kinilalang si Francisco Angeles, 58 anyos, may-asawa, residente naman ng Brgy. Nuesa, Roxas, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang binabagtas ng biktima ang naturang lansangan patungong North direksyon nang bigla itong lumihis sa kabilang linya kaya’t nasalpok ito ng paparating na sasakyan na minamaneho ng suspek.

Sa tindi ng banggaan, nagtamo ng malalalim na sugat sa katawan ang biktima na isinugod pa sa pagamutan subalit idineklara din na dead on arrival ng kanyang attending physician.

Nagtamo rin ng sugat sa katawan ang suspek maging ang dalawang sakay nito na sila Anabelle de Chavez, 51 anyos, empleyado ng LGU at Rosie Angeles, 79 anyos, kapwa residente ng Brgy. Nuesa, Roxas, Isabela na dinala sa pagamutan para sa kanilang karampatang lunas.

Dinala na sa himpilan ng PNP San Manuel ang dalawang sangkot na sasakyan para sa tamang disposisyon.




Inihahanda naman ng PNP ang kaukulang kaso na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments