SALPUKAN NG MOTORSIKLO AT VAN, 1 PATAY

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang rider matapos makasalpukan ang sinasakyang motorsiklo sa isang van sa Brgy. Victoria, Alicia, Isabela.

Kinilala ang nasawing rider na si Ariel Salvador, 66-anyos, at residente ng Brgy. Calaocan sa nasabing bayan.

Habang ang drayber ng van ay si Remsi Sabado, 47-anyos, at residente ng Brgy. Soyung, Echague, Isabela.


Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, binabaybay ng dalawang behikulo ang magkasalungat na direksyon at pagdating sa pinangyarihan ng insidente ay nagsalpukan ang dalawa sa linya ng motorsiklo.

Bilang resulta, nagtamo ng malalang sugat sa katawan ang drayber ng motorsiklo na agarang isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa PNP Alicia, napagkasunduan ng dalawang panig na hindi na magsasampa ng kaso at mag-areglo na lamang.

Facebook Comments