Salpukan ng Sasakyan at Trycycle, Dalawa Patay!

Naguilian, Isabela- Dead on Arrival ang dalawang katao matapos banggain ng kasalubong na sasakyan sa Brgy. San Manuel, Naguilian, Isabela kamakailan.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Edwardo Morillo, 36 anyos, may-asawa, tricycle driver, residente ng District 2, Gamu, Isabela at si Manolo Quidlat Jr., 28 anyos, may-asawa, electrician at residente ng Quezon City, Manila habang ang drayber naman ng Toyota Fortuner ay kinilalang si Harries Camposagro na residente ng San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Naguilian, magkasalungat na binabaybay nina Morillo lulan ang kanyang minamanehong trycyle at ni Camposagro ang pambansang lansangan sa Brgy. San Manuel, Naguilian, nang lumihis sa linya si Morillo at aksidenteng mabangga ito ni Camposagro.


Sa lakas ng salpukan ay tumilapon mula sa Trycycle sina Morillo at ang karga nitong si Quidlat na agad namang isinugod sa pagamutan subalit agad ding binawian ng buhay.

Walang natamong sugat ang drayber ng Toyota na si Camposagro kaya’t dinala ito sa himpilan ng PNP Naguilian maging ang dalawang behikulo para sa kanyang kaukulang kaso at disposiyon.

Facebook Comments