Salpukan ng Van at Kuliglig sa Tumauini, Isabela, Apat Patay!

9537

Tumauini, Isabela – Dead on Arrival sa pagamutan ang apat na katao na kinabibilangan ng 3 anyos na bata sa naganap na banggaan ng Kuliglig at Pampasaherong Van pasado alas nuebe kaninang umaga partikular sa pambansang lansangan ng Brgy. Liwanag, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang sugatang driver ng kuliglig na si Orlando Sanchez Barbieto Sr., 55 anyos, may asawa habang kinilala naman ang mga nasawing biktima na sina Jaime Bruno Infiel, 63 anyos,Catalina Bagunu Cabasi, 57 anyos, magsasaka, kapwa residente ng Brgy. Santo Niño, Tumauini, Isabela, Mila Daggao Barbieto, 59 anyos, may asawa, at Christine Perales Barbieto, 3 anyos, at pawang mga residente ng Brgy. Lalauanan, Tumauini, Isabela.


Samantala, kinilala naman ang driver ng pampasaherong Van na si Michael Casimiro Cariño, 29 anyos, may asawa at residente naman ng Brgy. Lucban, Abulug, Cagayan.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, biyaheng North direction umano si Barbieto Sr. kasama ang kanyang apat na pasahero nang aksidenteng matumbok ng paparating at mabilis na Pampasaherong Toyota Hiace Van ang kanilang sinasakyang kuliglig.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang drayber ng kuliglig maging ang kanyang apat na pasahero na agad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ngunit idineklara ring Dead On Arrival sina Jaime Infiel, Catalina Cabasi, Mila Barbieto at Christine Barbieto matapos magulungan ng Van.

Nasa kustodiya na ng PNP Tumauini ang mga nasangkot na sasakyan para sa kaukulang disposisyon.

Inihahanda naman ng PNP ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide, Physical Injury and Damged to Property laban sa suspek.

Facebook Comments

From Advertisers