Muling magpopruduce ng asin ang Salt Farm na pinapatakbo ng provincial government ng Pangasinan na matatagpuan sa Brgy. Zaragoza sa Bolinao matapos itong hindi nagamit ng higit dalawang taon.
Ibabalik muli sa operasyon ng provincial government ang nasa 470 ektaryang salt farm kung saan dati itong pinatakbo ng Pacific Farm Inc. ngunit nag-expire ang kontrata noon pang 2002 at hindi na muli pang ni-renew ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Isinara ang naturang farm noong February 2021 na siyang dati isa sa mga largest salt producer sa bansa kung saan 25,000 metric tons kada taon ang nacocontribute nito sa bansa.
Ayon kay Assistant Provincial Agriculturist Nestor Batalla, sa buwan ng Hulyo mag uumpisa ang preliminary activities sa naturang farm upang sa Oktubre ay maaari nang mag-harvest ng asin.
Ang pagbubukas na ito muli ng salt farm ay maaaring makatulong sa krisis sa asin sa bansa at ang pagdevelop dito ay isang kontribusyon na rin sa ating national food security. |ifmnews
Facebook Comments