SALUDO SA MGA BETERANO | 73rd Lingayen Gulf Landing at 11th Pangasinan Veterans Day Commemoration isinagawa ngayong araw!

Ngayong araw January 9th 2018 ay ginunita nga ang ika-73rdAnniversay ng Lingayen Gulf Landing kasabay ang pagdiriwang ng ika-11th Pangasinan Veterans Day Commemoration na ginanap sa Veterans Memorial Park, Capitol Complex, Lingayen Pangasinan.

Pinangunahan ni Most Reverend Archbishop Socrates B. Villegas ang Thanksgiving Mass, Kasunod nito ang wreath-laying ceremony na pinangunahan ni Gov. Amado “Pogi” I. Espino III. Sa talumpati ng gobernador ay ipinunto nito ang kahalagahan ng paggunita ng mga itinuturing na mga bayani ng WWII dahil narin sa malaking kontribusyon nila para sa kasarinlan ng ating bansa. Ayun pa dito magsisilbing mga inspirasyon ang mga beterano sa mga henerasyon pang darating. Naging panauhing pandangal sa nasabing pagtitipon si 2nd District Representative Leopoldo N. Bataoil na siyang House Chairman of the Committee on Veterans Affairs and Welfare at kilalang taga sulong ng mga batas na magbebnipisyo ang mga beterano.

73 years na ang nakakalipas noong January 9th, 1945 naganap ang makasaysayang pagdaong sa Lingayen Gulf ng Allied Forces na pinangunahan ni Gen. Douglas MacArthur at naging isa sa dahilan para mapalaya ang Pilipinas mula sa mananakop.


Ginugunita rin ngayon ang Pangasinan Veterans day, ito ay pagbibigay pugay sa sakripisyo at katapangan ng mga beterano nating Pangasinense noong World War II. Ito ay isang aktibidad na naumpisahan na noong 2008 sa ilalim ng Administrayon ng dating Pangasinan Governor na ngayon ay 5th District Representative na si Amado T. Espino Jr. Kasunod ng seremonyang ito, naganap din ang Medical Mission para sa mga Veterans.

Photo credited to Meinard Sadim & Senielda Reyes

Facebook Comments