SALUDO SA PULISYA | Tacloban PNP, naging maganda ang kampanya laban sa paputok

TACLOBAN CITY – Naging maganda ang kampanya ng Tacloban City Police Office o TCPO laban sa paputok nung kapaskuhan at sa pagsalubong sa bagong taon.

Sa datos ng Dept. Of Health o DOH Region 8, dalawa lamang ang nasugatan sa paputok sa buong Syudad. Ayon kay John Paul Roca, Information Officer ng DOH R8, nagpapasalamat sila sa mga kapulisan ng Tacloban dahil sa pagpapatrolya magdamag para mabantayan at maiwasan ang pagpapaputok sa ipinagbabawal na firecrackers.

Nakatulong din dito ang information dissemination na isinagawa ng Tacloban PNP sa pangunguna ni PCInsp. Rex Cantillep. Kabi-kabilaang interview sa media, naglilibot sa syudad para mapaalahanan ang publiko sa kadelikaduhan ng paputok at nagpapatrolya pa sa gabi.


Wala ding naitalang indiscriminate firing sa Syudad.

Mula sa RMN Tacloban, isang pagsaludo kay PCInsp. Rex Cantillep at sa buong Tacloban City Police Office.

Facebook Comments