Salvador Panelo, nagreact sa ‘look-alike’ niyang viral ice skater

via politics.com.ph

Nagbigay na ng reaksyon si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa viral ice skater na ayon sa mga netizen ay ‘look-alike’ niya.

“Ang layo naman. Ang mata niya big and slo-eyed. Ako naman sleek,” ani Panelo sa isang panayam nitong Biyernes.

Screenshot via Yuzuru on Twitter

Itinanggi niya ring kamukha niya si Luo Tuo En, 62 anyos, isang professional photographer at Champion skater mula sa Hong Kong.

Tumawa lamang si Panelo nang ipanood sa kaniya ang video ng kamukha niyang Chinese ice figure skater.

Si Salvador Panelo ay dating Chief Legal Counsel at ngayon ay Presidential Spokesperson ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pinalitan niya si Harry Roque nitong 2018.

Facebook Comments