Salvage-rescue ship mula Japan, nasa Oriental Mindoro

Dumating na sa bahagi ng Oriental Mindoro ang salvage-rescue ship na Shinnichimaru mula sa Japan.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), alas-6:00 ng umaga ng pumasok sa anchorage area ng Calapan Port ang barko.

Dala nito ang ROV o Remotely Operated Vehicle na sisisid sa dagat para makita ang sitwasyon sa lumubog na MT Princess Empress.


Nabatid na dumaan sa proseso ang pagdating ng salvage-rescue ship sa Oriental Mindoro kabilang ang pag-board ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), PPA, Bureau of Quarantine, Immigration at Customs.

Ayon naman sa PCG, inaasahan na agad itong tutungo sa dagat na sakop ng Naujan kung saan lumubog ang barko.

Unang inihayag ng PCG, ang nasabing salvage rescue ship ang kinuha ng may-ari ng lumubog na motor tanker para tumulong sa pagsisikap na solusyunan ang panganib nang pagtagas ng langis mula sa MT Princess Empress.

Facebook Comments