SAMA LANG NG LOOB? | Katotohanan sa impeachment ni CJ Sereno, inaasahang lalabas kapag naisalang na ito sa Senado

Manila, Philippines – Naniniwala si Akbayan Representative Tom Villarin na lalabas din ang katotohanan sa impeachment complaint na kinakaharap ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Villarin, ngayong hinihintay na lamang na maiakyat sa senate impeachment court ang reklamo sa punong mahistrado, dito na malalaman ng publiko kung papaano ginagamit ng gobyerno ang kanilang kapangyarihan laban sa mga kritiko nito.

Masasaksihan din ng taumbayan ang aniya’y “monumental meltdown” o pagkalusaw ng Kamara sa oras na umpisahan ang paglilitis dahil wala naman talagang sapat na basehan para patalsikin si Sereno.


Dagdag pa ni Villarin, maipapakita sa paglilitis sa Senado na sanhi lamang ng sama ng loob ng mga Mahistrado ang mga alegasyong ibinabato laban sa Chief Justice.

Humanga naman ang kongresista kay Sereno dahil sa kabila ng problema na dumarating dito, nagagawa pa ring tumayo ng Chief Justice at ipaglaban ang katotohanan at independence ng Hudikatura.

Facebook Comments