Manila, Philippiens – Dalawang indibidwal ang napatay at tatlo pa ang nawawala dahil sa patuloy na pag-ulan sa Visayas at Mindanao dulot ng tail end of the cold front.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, isa sa nasawi ay naitala sa Tacloban City matapos ang naganap na landslide sa lugar sa isang quarry area habang tatlo naman ang missing na ngayon ay patuloy ang search and rescue operation para mahanap ang mga ito.
Isa naman sa nasawi ay naitala sa munisipyo ng Silvino Lobos Northern Samar, at isa rin ang sugatan.
Ang dalawang ito ay sakay ng habal ng habal ng mangyari ang landslide.
Kaugnay nito ay umaabot na sa 623 pamilya ang lumikas na dahil sa patuloy na pag-ulan at ngayon ay nanatili sa pitong mga evacuation centers sa Northern Samar, Samar at Leyte.
Namonitor rin ng NDRRMC ang pagbabaha sa Western Visayas partikular sa rice fields ng Capiz, habang pinag-iingat naman ng NDRRMC ang mga taga Leyte at Southern Leyte dahil naka-red rainfall warning sa kanilang lugar.