Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na umaabot sa 145 na mga pasahero ang na-stranded sa mga pantalan sa bahagi ng Bicol region dahil sa sama ng panahon sa naturang Lalawigan
Base sa ipinalabas na Advisory ng PCG simula alas 12 ng hating gabi ay mayroon ng mga pasahero ang naistranded sa Sorsogon kung saan sa Bulan Port mayroon ng 70 pasahero at isang Motorbanca ang naistranded habang sa Pasacao Port naman ay 75 pasahero at isang motorbanca ang na-stranded.
Pinayuhan ng PCG ang lahat ng mga sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot sa karagatan habang nararanasan pa ang sama ng panahon upang maiwasan ang anumang pinsala.
Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo inatasan na nito ang lahat ng PCG units na tiyaking naipatutupad ang Headquarters Philippine Coast Guard Memorandum Circular Number 02-13 o panuntunan ng biyahe ng mga sasakyang pandagat sa oras na masama ang lagay ng panahon.