NAGWALA | Driver na nagpaputok ng baril, kinasuhan na

34

Manila, Philippines – Sinampahan ng kasong Illegal Possession of Firearms at Alarm Scandal sa Muntinlupa Prosecutors Office ang isang driver matapos na magpaputok ng baril sa PNR Site Purok 7 Poblacion Muntinlupa City.

Kinilala ang suspek na si Mark Santiago 32 anyos driver, a resident ng 29 street T. Paurel Putatan Muntinlupa City.

Ayon kay SPO4 Abregunda ng PCP1 Muntinlupa nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na mayroong isang lalaki na nagwawala at nagpapaputok ng baril sa PNR Site Purok 7 Poblacion Muntinlupa City.

Agad na nagresponde ang mga operatiba ng Muntinlupa Police kung saan narekober kay Santiago ang isang armscor na kalibre .45 baril na may 6 bala at 7 empty shelves ng caliber 45 pistol sa lugar ng pinangyarihan ng pagpapaputok ng baril.

Facebook Comments