Sama ng panahon, nakakaapekto sa pagdagsa ng tao sa Manila North Cemetery

Manila, Philippines – Naniniwala si MPD Station 3 Spokesperson Sr. Inspector Ana Simbajon na malaki ang epekto ng sama ng panahon kayat bumaba ang bilang ng mga nagsisipuntahan sa Manila North Cemetery.

Ayon kay Simbajon noong nakaraang taon as of 4pm ay pumalo na sa 400 libong katao ang dumagsa sa semeneyryo kumpara sa taong ito na 80 libo pa lamang kaninang alas dos ng hapon.

Paliwanag ni Simbajon isa sa mga dahilan ng kakaunting pagdagsa ng tao ay ang tuloy-tuloy na buhos ng ulan simula pa kaninang umaga hanggang ngayon at mas marami rin ang mga patalim na nakukumpiska noon at alak pero ngayon ay wala pang alak na nakukumpiska na palatandaan na natututo na umano ang tao.


Sa ngayon ay 62 mga patalim ang nakukumpiska,165 na flammables materials, 17 gardening tools at 6 na sound system.

Facebook Comments