Hindi makikiisa ang transport organizations sa Cotabato City sa ikakasang dalawang araw na tigil pasada bilang protesta sa mataas na interes na ipinataw ng gobyerno sa pagbili ng mga bagong jeep at sa pagbabawal na sa mga lumang jeepney na bumiyahe sa mga lansangan.
Ayon kay G. George Mangansakan, pangulo ng pederasyon ng transport organizations sa Cotabato City, hindi naman sila apektado ng problema dahil bago na naman na ang mga jeep ng jeepney operators sa syudad, wala na anyang bumibyahe na lumang jeep.
Maliban pa dito, dahilan ni Mangansakan sa hindi paglahok sa tigil pasada ang abalang idudulot nito sa commuters.
Sinabi pa ni Mangansakan na sapat na sa kanila ang pagtugon ng LTFRB-12 sa kahilingan ng jeepney operators sa Cotabato city na ibalik na ang 50 sentimos na kusa nilang ini-rollback noon at gawin na muling P8.00 ang minimum na pamasahe.
Nilinaw naman ni G. Mangansakan na mananatili sa P6.50 ang pasahe ng mga estudyante at senior citizens.
Samahan ng jeepney operators sa Cotabato City, hindi makikilahok sa nationwide tigil pasada!
Facebook Comments