Suspect sa Davao City Bombing sumuko sa Cotabato City PNP

Sumuko kahapon sa Cotabato City Police Office ang isa sa suspect sa Davao City Night Market Bombing noong nakalipas na taon. Ayon kay City PNP Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio,bandang alas dos ng hapon ng pumunta sa kanyang tanggapan ang suspect nasi Mohammad Chenekendiyl kasama ang abogado nito. Si Chenekendiyl ay una ng naaresto noong buwan ng oktober 2016 ngunit pinakawalan dahil wala pang warrant of arrest, subalit pagkalipas ng ilang buwan ay lumabas din ang Warrant of Arrest sa kanya at kasama din sa number 2 ASSO Order ng Depertment of National Defence. Siyay tinurn-over naman kahapon ni Col.Octavio sa CIDG-ARMM para malipat sa Davao city.

Facebook Comments