Kinalampag ng grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang tanggapan ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City upang muling humiling ng dayalogo ang grupo ng mga guro sa mga opisyal ng DepEd.
Bitbit ng grupo ang kanilang mga plakard na hugis orasan na naglalaman ng kanilang mga hinaing para sa ligtas na pagbubukas ng klase, kasama sa kanilang mga panawagan ang mga sumusunod;
1. Sufficient funding para sa mga guro.
2.Ligtas na pasilidad sa mga paaralan.
3. Health protection and benefits para sa education workers.
4. 1 module set sa kada estudyante.
5. Laptop, gadget, at internet allowance para sa mga guro at indigent learners.
6. ‘Pass or Fail’ grading system.
7. Pagsama ng pandemic education sa curriculum.
Sa ngayon, wala pa umanong tugon sa dayalogo ang DepEd kahit 4 na beses na itong hiniling.
Matatandaan na una nang sinabi ng DepEd na nakikipag -ugnayan na sila sa Department of Budget and Management (DBM) para sa Adjustment at Policy Guideline na magagamit sa pag-reprogram ng kanilang budget.
Dahil naman sa agaw atensyon na programa, dumating ang mga pulis para sila ay bantayan. Sinita rin sila kasi wala silang paalam na magsagawa ng rally.
Tumagal lamang ng mahigit 40 minuto ang kanilang programa.