PCG, naka-heightened alert na rin kasunod ng twin bombing sa Sulu

Nagpatupad na rin ng heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang pwersa sa South-Western Mindanao.

Kasunod ito ng magkasunod na pagsabog kanina sa Jolo, Sulu.

Sinabi ni Coast Guard Commandant Admiral George Ursabia na inilagay nila sa pinakamataas na alerto ang kanilang tropa sa Mindanao upang makatulong sa ginagawang operasyon at para matiyak ang seguridad ng mamamayan doon.


Bukod sa Jolo, Sulu, naka-heightened alert din ang mga tauhan ng PCG sa Tawi-Tawi, Basilan at Zamboanga.

Sinabi pa ni Admiral Ursabia na handa rin silang ipagamit sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang K9 units sakaling hilingin ng militar.

Facebook Comments