Samahan ng mga kababaihan, umapela kay P-Duterte na itigal na ang pambobomba sa Marawi City

Manila, Philippines – Umapela ang samahan ng mga kababaihan kay pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang pambobomba sa Marawi City.

Ayon kay Gabriela Women’s Political Right Program Coordinator Sharon Cabusao mariin nilang kinundena ang ginagawang Air Strike ng militar sa mga kabahayaan dahil maraming sibilyan ang nadadamay bukod pa sa mga sundalo ang nasasawi sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng Maute group at tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Paliwanag ni Cabusao dapat pagtuunan ng pansin ng Duterte Administration ang Rehabilitation at Reconstruction sa Siyudad at bigyan ng hustisya ang mga sibilyan na naapektuhan ng kaguluhan.


Giit ng Gabriela sapat at mabilis na pagtugon sa pagtatayo ng mga nawalan ng tahanan ang kailangan ng mga residente at hindi ang umiiral na Martial Law sa Mindanao.

Facebook Comments