Nakatanggap ang industriya ng nagsisibuyas ng ayuda mula sa gobyerno.
Ito ay harap na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palakasin ang loka na produksyon sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil sa pamamagitan ng High Value Crops Development Program ng Department of Agriculture (DA) nakapagbigay ng mahigit ₱300 milyong ayuda sa onion industry ngayong taon.
Sinabi ni Garafil, ₱69.949 million ay pondo para sa pagpapaganda ng produksyon ng sibuyas, ₱3.2 million ay pondo para sa irrigation network facilities at ₱1.9 million ay pondo para sa pagpapalawig ng suporta sa edukasyon at pagsasanay.
May inilaan ring ₱6.486 million para sa farm production may kaugnayan sa machinery at equipment distribution, ₱2.359 million ay pondo para sa production facilities at pondo para sa post-harvest at processing equipment and machinery distribution na nagkakahalaga ng ₱2.5 million.
Bukod sa mga ito may pitong onion cold storage facilites din ang itatayo ngayon taon sa mga key production area sa bansa.