ISA PATAY, TATLO KRITIKAL SA AKSIDENTE SA DAGUPAN CITY

Dead on the spot ang isang dese siete anyos na binata habang patuloy ba inoobserbahan sa pagamutan ang talo pa sa naganap na aksidente sa Dagupan City.
Pasado alas siyete kagabi sa bahagi ng de venecia extension sa lungsod ng dagupan ng maganap ang aksidente kung saan ay nakilala ang namatay na biktima na si Joshua Nathaniel Embuido.
Sa imbestigasyon ng PNP, lulan ng isang garong ang biktima kasama ang talong iba pa ng tinangkang mag overtake ng driver ng garong sa isang kasunod na sasakyan dahilan para bumangga sa kasalubong ng kotse.

Bunsod nito ay nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang mga sakay ng garong kasama ang biktima subalit sa kasamaang palad ay idineklarang dead on the spot ito.
Ang mga kasamahan naman nito ay dinala sa region 1 medical center at patuloy na inoobserbahan. |ifmnews
Facebook Comments