SAMAHAN NG MGA TRICYCLE DRIVER AT KABABAIHAN SA ASINGAN, TINANGGAP ANG HALOS P1M BIGASAN PACKAGE NG DOLE REGION 1

Natanggap na ng mga samahan ng mga Tricycle Operators & Drivers Associations (TODA) at ang Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) Asingan Chapter ang halos isang milyong pisong halaga ng bigasan package na handog ng DOLE Region I.

Ang proyektong ito ay hiniling ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa Department of Labor and Employment Region I para mabigyan at magkaroon ng paunang puhunan sa negosyo ang mga rehistrado at lehitimong organisasyon sa bayan kung saan tatanggap ang bawat organisasyong nabanggit ng tig-kalahating milyong halaga ng bigas na binili ng LGU.

Ayon sa LGU, ipagbibili ang naturang pondo ng dalawang daan at limampung (250) kaban ng Class A na bigas, dalawang daan at apatnapu’t apat (244) na kaban ng Class B na bigas na paghahatian ng dalawang grupo.


Nagpasalamat naman ang LGU Asingan sa ahensiya ng DOLE Region sa patuloy na pagbibigay ng tulong sa mga benepisyaryo ng programa gayundin ang lahat ng mga nabenipisyuhan.

Facebook Comments