Samahan ng mga vendor, mag-iingay sa harapan ng Sta. Cruz Church para tigilan ang panghaharas ng mga pulis sa mga vendor

Sta. Cruz, Manila – Maglulunsad ng noise barrage ang United Vendors Alliance Assembly sa harapan ng Sta. Cruz Manila upang ipanawagan kay Manila Mayor Joseph Erap Estrada na itigil na ang panghaharas at panggigipit ng mga pulis at Department of Public Service sa mga vendor na naghahanapbuhay ng marangal.

Ayon kay United Vendor Alliance Assembly spokesperson Jerome Pagunsan na dapat ay kilalanin ang karapatan ng mga vendor na naghahanapbuhay ng marangal sa lansangan.

Paliwanag ni Pagusan na walang kongkretong programa si Estrada sa mga maralitang nagtitinda sa lansangan kaya’t minabuti ng grupo na maglunsad nalamang ng pag-iingay upang ipaabot sa alkalde ang kanilang kahilingan.


Una ng hiniling ng grupo na isulong ang Magna Carta for vendors para magiging lehitimo ang karapatan ng mga manininda sa paghahanapbuhay ay kinakailangan ay magkaroon ng isang batas o kasunduan na kikilala sa karapatan ng mga vendor na magtataguyod ng mga maka-mamamayang probisyon sa pamamagitan ng konsultasyon sa iba’t ibang samahan.

Facebook Comments