SAMAHAN NG SANGGUNIANG KABATAAN SA PANGASINAN, NAKATAKDANG MABAKUNAHAN KONTRA COVID-19

Inanunsyo ng Sangguniang Kabataan Provincial Federation Pangasinan na nakatakdang mabakunahan ang lahat ng mga miyembro ng SK sa buong probinsiya.

Ayon sa memorandum na inilabas ng SK Provincial Federation, tatlong araw ang inilaan sa mga miyembro ng SK o ang mga kinabibilangan ng SK Presidents, SK Chairpersons, SK Kagawads, SK Secretaries at SK Treasurers na magsisimula ngayong araw ikalima ng Oktubre hanggang ika-pito ngayon buwan, alas syete ng umaga at magtatapos ng alas tres ng hapon at gaganapin sa Training and Development Center II Building ng Capitol Compound Lingayen.

Sa vaccination rollout na ito, ‘first-come, first serve basis’ ang masusunod kung saan kailangan lamang magdala ng isang valid ID at ballpen, face mask, face shield at personal na alkohol para disinfection.


Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ikinokonsedera ang sektor ng Sangguniang kabataan dahil malaki umano ang parte ng mga ito sa COVID-19 Response ng pamahalaan upang malabanan ang kinakaharap na pandemya.

Hinikayat naman ang mga miyembro ng SK na makipagtulungan at kunin na ang pagkakataong makapag bukana sa itinalagang araw ng pamahalaan para sa proteksyon laban sa COVID-19.

Facebook Comments