Inabswelto ng Sandiganbayan 1st division sa kasong graft si Samar Rep. Milagrosa Tan.
Ang kaso ay nag-ugat sa pagbili ng ibat ibang gamot at dental supplies sa Zybermed Medi Pharma na nakabase sa Pasig City sa pagitan ng March 28 hanggang August 1, 2007.
Nakasaad sa 67 pahinang desisyon ng anti graft court, walang naipakita ang prosekusyon na kontrata sa pagitan ng Zybermed at ng lalawigan ng Samar na nagsasabing disadvantage ang nasabing transaksyon.
Bigo rin ang prosekusyon na maikumpara ang presyo ng Zybermed sa ibang suppliers ng gamot.
Naipamahagi din sa mga taga Samar ang mga biniling gamot at sumunod din sila sa bidding process para sa procurement.
Bukod kay Tan inabswelto din sina Roselyn Larce, ang mayari ng Zybermed Medi Pharma, Bienvenido Sabenecio Jr., Francasio Detosil, Ariel Lyboa, Rolando Montejo, at George Abrina mula sa kasong graft at malversation of public funds dahil sa kabiguan din ng prosekusyon na patunayan ang kanilang kasalanan.
Ipinag utos naman ng Sandiganbayan na ibalik ang kanilang bail bonds at inatasan din ang Bureau of Immigration na alisin sila mula sa hold departure list.