Nag-positibo sa poliovirus ang nakuhang environmental samples mula sa Butuanon river sa Mandaue City sa Cebu.
Ito ang kinumpirma ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) matapos ang isinagawang test sa kinuhang samples mula sa ilog.
Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, nakikipag-ugnayan sila sa World Health Organization (WHO) para sa wastong vaccination response na kanilang gagagawin.
Magbibigay tulong na rin aniya sila sa lungsod ng Cabanatuan at Mandaue para mapabuti ang kanilang acute flaccid paralysis surveillance capacities kabilang na ang identification at reporting mechanism.
Una nang kinumpirma ng DOH ang ika-17 polio case sa bansa kung saan isang taong gulang na batang lalaki mula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ang biktima ng nasabing sakit.