Arestado ang sampung katao sa sunod sunod na anti-drug operation ng PDEA Region 2 katuwang ang mga lokal na pulisya sa tatlong araw na operasyon mula Agosto 16-18 ng taong kasalukuyan.
Sa kabuuang pitong drug buy bust operation na isinagawa sa ibat ibang bahagi ng rehiyon kontra sa mga personalidad na nasa ilalim ng drug watch list, nagresulta ito sa pagkakakumpiska ng siyam na sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.
Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 DWKD RMN Cauayan News Team mula sa PDEA Region 2, nakilala ang mga naarestong suspek na sina Jaypee Goloyugo ng Bayombong, Nueva Viscaya; Mark Lester Bueno ng Mariano Perez, Nueva Viscaya; Jeffrey Maiztegui ng Ilagan City, Isabela; Rizaldy Malicad ng Brgy Malibabag, Penablanca, Cagayan na isang barangay kagawad; Roberto Daco ng Santiago City, Isabela; Nicole Dauigoy at Lorilyn Caranguian na parehong taga Brgy Bagumbayan, Ilagan City, Isabela; Jan Michael Sadorra ng Alibagu, Ilagan City, Isabela; Joel Dumlao ng Bambang, Nueva Vizcaya at Grace Edem ng Santiago City, Isabela.
Nasa pangangalaga ngayon ng mga otoridad ang mga nakumpiskang sachet ng shabu at marked money upang gamiting ebidensiya sa kasong isasampa laban sa mga suspek.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Dangerous Drugs Act of 2002.